Kris, 2 anak ayaw paawat, tuloy pa rin ang bakasyon sa Japan kahit nilindol

kris aquino

Isa pang nakatakdang lumipad patungong Osaka, Japan sa Hunyo 4 ay si Kris Aquino kasama sina Joshua at Bimby at ilang personal staff, doon nila ise-celebrate ang kaarawan ng panganay na anak.

Tinext namin si Kris kung itutuloy pa rin nila ang pag-alis dahil nga baka may after shocks pa ang 8.5 magnitude earthquake sa Osaka. Mabilis kaming sinagot ng Queen of All Media ng, “Okay lang, go na.”

Tulad ng parating sinasabi ni Kris ay ikalawang tahanan na nila ang Japan dahil gustung-gusto nila ang kultura rito at magagalang pa raw ang mga tao, bukod pa sa masasarap ang pagkain at enjoy silang maglakad-lakad dahil maganda raw ang klima at kapaligiran.

Sobrang naging busy si Kris nitong weekend dahil nasa Dagupan siya noong Linggo bilang parte ng Northern tour ng Kris TV na nag-umpisa na nga noong Bi-yernes, at pagdating nila kahapon ay nagpahinga lang at dumiretso agad ang TV host-actress sa live episode ng Aquino And Abunda Tonight.

Read more...