Malupit at kuripot ang amo

Sulat mula kay Carol ng Talipapa, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Pumasok akong katulong sa isang mayamang pamilya dito sa Novaliches, galing akong Misamis Oriental. Noong una ay maganda ang pakikitungo sa akin ng mga amo ko, pero ng tumagal-tagal na ay napansin kong sinusungitan at inaapi na nila ako. Iba ang pinapaulam sa akin sa ulam ng kanilang mga anak at kadalasan panis na gulay ang ulam ko. Ang pinagusapan naming suweldo na P2,500 ay ginawa nilang P2000 at wala pa akong day-off, at saka iyong sinusuweldo ko ay hindi nila binubuo laging bale lang o kulang ang ibinigya nila sa akin. All around ako sa bahay na ito kaya gusto-gusto ko na sanang umalis. Ang kaso hindi ko alam kung paano ako makakauwi ng province namin dahil wala naman akong kamag-anak dito sa Maynila. Sana matulungan nyo ako na magbago ang buhay ko sa lugar na ito. March 7, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Carol ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Magkadikit kasi ang Head Line at Life Line ng mahigit isang pulgada sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1.), na ngangahulugang dahil mahina ang iyong loob, kaya hindi ka makaalis-alis sa kuripot at walang hiyan mong amo. Pero umasa kang sa buwan ding ito ng Hunyo sa tulong ng isang kaibigan, makaka-takas at tuluyan ka na ring makaka-alis sa walang kuwenta mong amo.
Cartomancy:
Two of Clubs, Queen of Diamonds at Six of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibang babae na galing ding probinsiya na may kaya sa buhay, sa taon ding ito ng 2015 sa ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo makaka-alis ka na rin sa kasalukuyan mong amo.
Itutuloy…

Read more...