Erich ibabasura rin si Daniel tulad ng ginawa sa ex-dyowa

erich gonzales

MINSAN ay may nadaanan kaming group of non-showbiz friends sa isang hotel lobby at ang topic nila ay showbiz, ha!
Nakakaloka sila, ginagawa tayong pulutan sa kanilang tsikahan! At ang topic ng isang malanding girl ay itong crush pala niyang si Daniel Matsunaga na kaulayaw na nga-yon ni Erich Gonzales.

“Kilala ko ang ex ni Erich, yung businessman. Nakakaawa nga yung guy eh, kasi nga, he was dropped like a hot potato nang magka-inlaban sina Erich and Daniel. Akala ay friends-friends lang, iyon pala ay ‘friends with benefits’ na ang drama.

“Hindi naman actually kawalan du’n sa guy si Erich dahil unang-una, may hitsura yung lalaki at mayaman talaga. As in! Hindi tulad ni Daniel na poor lang at ang kita lang sa showbiz ang inaasahan.

Guwapo nga pero – ay naku, mabuti na lang at hindi naging kami at baka mahurot niya ang pera ng family ko!” sabi ng malantod na girlitang friend namin na hindi man lamang tinanong kung matataypan naman kaya siya ni Daniel.

Kung makapagsalita naman ang hitad na ito na baka huthutin din ni Daniel ang dahtung ng family niya. Ha-hahahaha! In fairness kay Daniel, wala siyang ganoong image, ‘no!

Naku, humanda si Daniel one day. Baka magulat siya’t may makilala uli si Erich na mas delicious sa kaniya one day at bigla na lang din siyang iwan.

Pagsisisihan niya iyan, dahil, di ba? Maldita ang Erich na iyan? Marami akong friends na nagsasabing hindi kagandahan ang attitude ng girl na iyan,” aniya pa na may halong inggit yata.

Well, puwede nga ring mangyari kay Daniel ang nangyari sa ex ni Erich. Unless head over heels talaga si Erich sa kaniya.
“Naku, huwag ninyong pagtsismisan si Erich, huwag ninyong asarain at siraan iyan dahil ang chika may mga kamag-anak iyan sa NPA kaya anytime ay puwede kang resbakan.

Behave ka, girl. Mahirap na’t baka ipa-hunting ka niya. Ha-hahaha!” sabat ng isang baklitang kasama nila. Take note, mga non-showbiz supposedly ang mga ito pero sobrang updated sa showbiz chika, ha.

Read more...