Isa pang napagkuwentuhan ng mga tsismosang ito ay ang tungkol kina Gerald Anderson at Maja Salvador.”Totoo bang kaya naghiwalay sina Gerald at Maja ay dahil nabuko ni Maja na merong mayamang gay lover si Gerald?” tanong isang girl.
“Hindi, ‘no! Noon pa lang ay alam na ni Maja na may gay lover si Gerald, ang nangyari raw talaga diyan ay masyadong possessive yung beki at pinamili si Gerald – si Maja o siya. Ganoon iyon,” pagmamarunong ulit ng kasama nilang badikla na makapal mag-make-up.
Kita niyo na, may conclusion na sila samantalang ta-yong mga insiders ay naghihintay pa ng linaw sa isyu between Maja and Gerald. “Taga-QC raw ang ba-ding. Nakatira sa isang pangmayamang subdivision.
Grabe raw kung regaluhan noon si Gerald, mga branded na gamit – kotse at bahay. Yung house na ipinatayo ni Gerald ay ga-ling sa bulsa ng mayamang bading iyon, ‘no!” pagmamarunong ulit ng baklita.
Sa pagkakatanda namin ay idenany na ni Gerald ang tungkol sa diumano’y gay lover niya kaya iyon na lang ang paniwalaan natin sa ngayon.
Anyway, kung pakikinggan mo ang mga friends naming nagkukuwentuhan sa hotel lobby na iyon, maaalala mo ang See True ni late Ate Luds. Ang dami nilang opinyon.
Pero huwag ka, ang order lang naman nila ay tsaa. Kalokang mga social climbers nma ito.Tayo pala ang pinagpipistahan ng kanilang mga tamad na utak. Ha-hahaha!
At bago pa man sila makapagtanong ng kung anu-ano pa ay nilayasan na namin. Nagdahilan na lang kami na dumating na ang sundo namin gayong hindi naman totoo. Kasi nga, nag-taxi lang kami noon dahil coding ako. Kaloka!
Nang naglakad-lakad kami sa kiyemeng palabas ng lobby, nakasalubong naman namin ang mag-asawang super fan ni Kris Aquino. Bigla itong nagtanong ng, “Totoo bang nagkabalikan sina Kris and Mayor Herbert?”
Muntik na akong mawalan ng ulirat. Tinakasan na nga namin ang mga tsismosa sa lobby ng hotel tapos heto’t meron na namang chikadorang mag-asawang walang kagatol-gatol na magtanong about Kris and Herbert.
Ngiti na lang ang isinukli namin sa kanila and instead of walking around, napilitan kaming sumakay na lang ng hotel taxi nila para matakasan ang mga makakating dilang friends namin. Muntik na kaming mabaliw. Ha-hahaha!
Nang sa taxi na kami, kami naman ang nag-usap-usap na magbabarkadang taga-showbiz – bumalik sa isipan namin ang topics ng mga nakasalubong namin sa said hotel – sa totoo lang, nagtataka lang kami kung bakit napakarami nilang alam.
Yung iba sa subject na iyon actually ay matagal na naming alam pero some were not written naman sa newspapers pero confirmed sa kanila.
Malamang na marami na talagang nakakaalam sa mga circles nila tungkol sa mga bagay-bagay na ito. In short, showbiz talaga is very universal. Everyone is actually very much into it kahit itinaggi pa nila.