Andrei Felix: Wala kaming ginagawang bastos ni Venus!

Sinagot ng TV host na si Andrei Felix ang mga intriga sa kanila ni Venus Raj tungkol sa kanilang OA daw na pagpi-PDA, o public display of affection.

Ayon kasi sa ilang nakakausap namin, grabe raw kung maglandian ang magdyowa, kahit daw sa harap ng maraming tao ay talagang game na game sila sa kanilang PDA.

Ayon kay Andrei, wala raw silang ginagawang masama ni Venus, wala rin daw silang ginagawang kabastusan sa harap ng ibang tao.

Baka raw nami-misinterpret lang daw ng iba ang pagiging sweet nila.

“Sabi ko nga sa kanya (Venus), it’s also normal for people to think that dahil, before, when I was single, I used to think that same way towards other couple.

Naiintindihan ko na ngayon.

Hindi maiiwasan ‘yun, you cannot please everybody,” pahayag ni Andrei sa isang interview.

Seryoso na rin daw ang Umagang Kay Ganda host kay Venus at umaasa siya na sa kasalan din mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Read more...