Pitong tren lamang ng Metro Rail Transit 3 ang tumakbo kahapon ng umaga kaya naipon nanaman ang mga pasahero sa mga istasyon nito.
Ayon kay MRT general manager Roman Buenafe kinailangan na ibalik sa depot ang mga tren upang makumpuni ang airconditioning units ng mga ito.
Sa normal na operasyon dapat ay 15 hanggang 20 tren ng MRT ang bumibiyahe.
Mayroon ng pinasok na kasunduan ang gobyerno upang madagdagan ang bilang ng mga tren ng MRT3 subalit sa susunod na taon pa ito darating.
MOST READ
LATEST STORIES