Chito Miranda, Neri Naig binatikos, tinalakan ng Propesor

chito miranda

Napakabilis humusga ng mga netizens. Hindi naman nila kilala nang personal ang mga personalidad at wala silang gaanong alam tungkol sa personal na buhay ng mga artista pero kung makapanghusga ang mga ito ay para bang kilalang-kilala na nila ang personalidad na kanilang pinag-iinitan.

Nakakaawa ang mga artistang pinagtitripan ng mga bashers. Unang-una sa kanilang listahan ang mga sikat na artista, ‘yung talagang nasa gitna ng laban, panay-panay ang kanilang upak sa mga sikat na personalidad.

Pero may kakapusan din naman kasi kung minsan ang mga artista, humihingi sila ng kapribaduhan kahit pa public figures ang turing sa kanila, pero sila rin mismo ang nagbibihadhad sa publiko tungkol sa mga personal na nagaganap sa kanilang buhay.

Tulad na lang nina Chito Miranda at Neri Naig. Apdo ang ipinatikim sa kanila ng mga bashers dahil sa lumutang nilang sex video. Salamat naman at nauwi ‘yun sa kasalan, sa pagdadalantao na ngayon ni Neri, na kinasisilipan ng butas ng marami nating kababayan.

Komento ng kaibigan naming propesor na tutok na tutok sa showbiz, “Kundi ba naman sila nang-iimbita talaga ng mga mamba-bash sa kanila, e! Privacy ang hinihingi nila, bigyan daw naman sana sila ng kapribaduhan ng mga bashers!

“E, dugo pa nga lang ang ipinagdadalantao ni Neri, punla pa lang talaga, pero nakalantad na sa publiko ang itsura ng dinadala niya! “Ganu’n ba ang umaamot ng privacy? Sila mismo ang naglalantad ng mga nangyayari sa buhay nila?” nakaingos na komento ng aming kaibigan.

At may karugtong pa ‘yun, “Naghahagis silang dalawa ng karne sa leon, ano’ng inaasahan nila? Tatanggihan ng leon ang pagkaing ibinibigay nilang mag-asawa?

May katwiran ang katwiran.

Read more...