Mayroong mga ipinagbabawal at mapanganib na kemikal na inihalo sa mga plastic school products na sinuri ng non-government group na EcoWaste Coalition.
Nanawagan ang EcoWaste sa Department of Health na palawigin ang pagbabawal sa paggamit ng phthalate sa school supplies sa halip na limitahan sa mga laruan lamang ng bata.
“As phthalates are commonly used in the production of PVC plastics, we advise parents to keep PVC off their back-to-school must-buy list and to patronize safer alternatives instead,” ani Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste. “By shopping for PVC-free consumer products, we also avoid serious health and environmental problems associated with their disposal later as PVC plastics, if incinerated, will lead to the formation of cancer-causing dioxins.”
Ang phthalate DEHP ay inihahalo sa polyvinyl chloride plastics upang lumambot ito.
Sa pag-aaral ng US Environmental Protection Agency ang DEHP ay “probable human carcinogen” o maaaring pagmulan ng nakamamatay na kanser.
Iniuugnay din ang phthalates sa genital abnormalities sa mga lalaki, maagang pagdadalaga sa mga batang babae, asthma, at obesity.
Namili ng iba’t ibang produkto ang EcoWaste at sa kanilang pagsusuri ay lumabas na positibo ang mga ito sa DEHP.
“While certain phthalates are banned by DOH in toys, such a safety measure does not exist yet for school supplies. We therefore urge the health authorities to look into broadening the coverage of its current policy on phthalates to include all childcare articles as well as school supplies,” dagdag pa ni Dizon.
30
MOST READ
LATEST STORIES