Hindi naman kawalan at hindi rin makakasira yun sa show ko! – Vice
Dedma lang pala si Vice Ganda sa ginawang pagwo-walkout ni Jake Cuenca sa taping ng Gandang Gabi Vice kamakailan.
Wala raw siyang maibibigay na reaksiyon o komento tungkol dito.
Sey ni Vice sa isang TV interview, “Trip niyang mag-walkout, e, di mag-walkout siya. Hindi naman ako affected.” Dugtong pa ng TV host-comedian, “Hindi ako nainis kasi kung trip niyang mag-walkout, e, di ‘wag. Hindi naman ‘yun makakasira sa show ko, hindi naman ‘yun kawalan.”
Kamakailan sa presscon ng bagong serye ni Jake sa ABS-CBN na Pasion de Amor, sinabi nitong nag-sorry na siya kay Vice at nagpaliwanag tungkol sa walkout incident.
Anang aktor, kinailangan niyang umalis sa studio dahil nasa audience nga ang kanyang ex-girlfriend na si Chanel Olive Thomas, na kabilang sa Miss Earth Philippines 2015 candidates.
Ayaw naman daw niyang ma-on the spot sila ng kanyang ex-dyowa on national TV dahil nirerespeto pa rin niya ang girl. Sey naman ni Vice, “Nag-text siya sa akin siguro after a few days, after a week kung puwede akong makausap.
“Hindi ko naman mae-entertain dahil busy na ako sa concert. Saka sabi ko, wala namang dapat pag-usapan, hindi naman ako na-affect sa pagwu-walkout niya,” sey pa ni Vice sa nasabing panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.