WE had the chance to watch the fundraising concert of our anak-anakang si Dessa sa Zirkoh last May 28.
After ng “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz, sinundan ko sina kafatid na Richard Pinlac and Japs Jersin sa Zirkoh para makisaya sa awitan nina Dessa, The Company, Dulce, Jamie Rivera and Regine Velasquez na ikinabaliw namin ang pagiging lukring that night.
Nakakatuwa si Regine dahil lumabas ang pagkakenkay niya sa production number nila ni Dessa. “Ang sexy mo ngayon,” ani Dessa kay Regine.
“Dalawa lang kayo ng asawa ko ang nagsabi niyan,” mabilis na reaction ni Regs.“Ang laki kasi ng suso mo. Nagpapasuso ka pa ba?” biro ni Dessa sa Songbird na manghang-mangha sa malulusog na dibdib ng kaibigang singer.
“Oo nga, eh. Actually, three years na ang anak namin at dalawa ang dumedede diyan. Ha-hahaha!” biro ni Regine na ikinahagalpak ng lahat.
Ganda ng batuhan nila punchlines that night. Very natural at walang pretensions. Aliw na aliw kami kay Regine. Lukaret din kasi itong si Dessa – taklesa rin to a certain point.
Magkaibigan kasi talaga sila ni Regine, magkumare pa kamo dahil inaanak ni Regine ang panganay na anak ni Dessa.Hindi rin nagpakabog si Dessa sa biritan with Regine – something na medyo mahina na si Songbird.
Ang dating matataas na nota ay medyo hirap na siya ng konti pero naaabot pa rin naman niya. Hindi naman siya sumasablay masyado, pero medyo isinisigaw na niya ang matataas na nota ng songs. Unlike before na effortless ang pagbirit niya.
Napansin namin iyan mula nang manganak siya at inaamin naman niyang maraming nabago sa kanya after giving birth.
“Nu’ng manganak ako, nakalimot na ako ng ibang letra ng mga songs na kinakanta ko.
Sumama yata sa paglabas ng bata ang everything. Ha-hahaha!” biro ni Regine na napaka-humble ng naging dating. We appreciated her humility.
Anyway, on the other hand, nagulat kami kay OJ Mariano dahil January pa pala siya sumali sa The CompanY, ang sikat and award-winning group composed by Moi Ortiz, Annie Quintos and Sweet Plantado.
Hindi ko alam kung nasaan na ‘yung ibang dating members nila. Pero in fairness to OJ, he sings so well talaga at bagay siya as one of the members. Pansinin pa siya kamo dahil matangkad siya, di ba?
Dulce is such a delight tuwing napapanood namin siya. Kasi nga, walang kakupas-kupas ang boses and performance nito. Para ngang may amplifier sa lalamunan.
Kahit anong song yata ang ipakanta mo sa kanya ay mamaniin niya. Ang cute pa nilang tingnan ni Dessa sa stage, they call each other mag-ina sa music industry. Kasi nga, parehong Bisaya at parehong biritera.
Cute ng duet nila, wala kang itulak-kabigin. Of course, hindi talaga puwedeng isnabin ang husay ni Dessa – ang dating Front Act Queen na naging Voice of Asia when she won the grand prize sa Kazakhstan Music Festival many years ago.
Hindi rin na-disappoint ang kanyang mga tagahanga dahil kinanta niya towards the end of the fund-raising show ang famous version niya ng “Better Days” na bihira lamang napi-perfect ng kahit sinong singer.
Kaya congrats kay kafatid na Noel Ferrer who produced that show for Dessa – kailangan kasi nitong makalikom ng sapat na halaga para pambili ng kakaibang uri ng dugo na kakailangan niya to save her from harm.
By this time ay nasa States na ulit si Dessa and she will be back sometime in August. Take care, our dear Dessa na matagal naming inalagaan at minahal during her Backroom days.
Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nagbago ang mukha at boses ni Destreza Salazar-Inoue who is actually based na sa Las Vegas, Nevada with her family. Good luck, anak. Huwag kang magpaka-stress. Life is too short.