Kalat na: Bossing, Pauleen ikakasal bago matapos ang 2015 Bandera

Kalat na: Bossing, Pauleen ikakasal bago matapos ang 2015

Ervin Santiago |May 30,2015
share this

Kalat na: Bossing, Pauleen ikakasal bago matapos ang 2015

Ervin Santiago May 30, 2015 - 07:13 PM

vic sotto

MATULOY nga kaya ang chikang bago matapos ang 2015 ay magpapakasal na sina Pauleen Luna at Vic Sotto?

Balita kasing naghahanda na ang dalawang hosts ng Eat Bulaga sa mangyayaring kasalan. Isang senyales daw nito ay ang pag-imbita ni Bossing sa mga magulang ni Pauleen na sumama sa pagbabakasyon ng buong dabarkads ng Eat Bulaga sa Hong Kong ngayong June 4.
Sa ulat ng Startalk kanina, kinumpirma na mismong si Vic daw ang nag-invite sa parents ni Pauleen para sumama sa HK. Ang trip na ito ng Dabarkads ay post-birthday treat ng Eat Bulaga big boss na si Tony Tuviera kay Bossing na nagdiwang ng kanyang ika-61 kaarawan noong April 28.
Ngunit sa nasabing ulat din ng Startalk, parehong dinenay nina Vic at Poleng ang chika na balak na nilang magpakasal sa Hong Kong, at ipinagdiinan na bakasyon lang ang gagawin nila roon.
Tinanong naman ng mga co-host niya sa programa ng GMA 7 si Joey de Leon na kasamahan ni Vic sa EB kung may alam siya tungkol sa planong pagpapakasal nina Bossing at Poleng, ani Joey, “Bakasyon ng Eat Bulaga pero hindi ko alam kung masosorpresa kami do’n,” na sinundan ng malakas na pagtawa.
Abangan na lang kung totoo nga ang mga bali-balita ma magaganap ang wedding nina Pauleen at Vic bago matapos ang taon. At kung mangyayari nga ito, matupad kaya ang  dream wedding ni Poleng na isang simple at intimate na kasal?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending