Kris na-shock sa paghuhubad ni Vice: Ang tapang niya!

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

VICE GANDA AT KRIS AQUINO

VICE Ganda’s asawa Kris Aquino was the one who was shocked the most nang tanggalin ng Unkaboggable and Phenomenal Box Office star ang kanyang hair extension recently sa It’s Showtime.

Madalas magkasama sina Vice at Kris sa mga shows sa abroad and there was no time na hindi niya nakita si Vice na hindi naka-makeup.

“‘Yung pagbubura ng makeup, I’m not surprised, kasi madalas kaming lumalabas na wala, na hindi siya nag-aayos, pero ‘yung pagtanggal nu’ng hair extensions, doon ako nagulat,” say ni Kris sa evening show nila ni Boy Abunda.

Describing Vice’s demeanor as “act of courage” talagang humanga si Kris kay Vice.

“Even ‘pag matutulog na – we’ve traveled together several times na – conscious siya talaga of that…bilib ako kasi alam ko talaga na that really took guts. Mag-a-amusement park lang kami, sa gitna ng init ng araw, sabi niya, ‘Sandali, nagkakabit pa!’”

Marami ang humanga kay Vice nang ipakita niya sa isang teenager na binu-bully ang totoong hitsura niya. Binura niya ang makeup niya, tinanggal ang contact lens at tinanggal ang kanyang hair extension. Nabuking na mataas ang hairline niya.

“Gusto kong ipamukha sa ‘yo na hindi ka dapat matakot kung ano ka,” say ni Vice sa teenager na si Pamela.

Ayun, naging trending topic bigla sa Twitter ang #ProudToBeMe.

Read more...