Dasal ni Heart pinakinggan na; Chiz biglang ‘bumango’ sa pamilya Ongpauco

CHIZ ESCUDERO,  HEART EVANGELISTA, CECILE AT ROD ONGPAUCO

CHIZ ESCUDERO, HEART EVANGELISTA, CECILLE AT REY ONGPAUCO

Ni Alex Brosas

“KEEP believing…keep praying and you will see…in Gods perfect time. Thank you!”

That was Heart Evangelista’s caption sa photo niya kasama ang mom na si Cecille, dad Rey Ongpauco and husband Sen. Chiz Escudero sa isang table na kung hindi nagkakamali ay kuha noong mag-dinner sila nang sabay-sabay sa mismong bahay ng aktres at ng senador recently.

Nabuo na muli ang pamilya ni Heart at tanggap na ng parents niya ang husband niyang si Chiz. They were a picture of a happy family sa litrato nilang iyon.

Not surprisingly, ang daming natuwa sa pagbabati nina Sen. Chiz at ng parents ni Heart.

“Natanggap na rin ng mga Ongpauco si senator Chiz. Very good News! But the happiest girl is Heart. Happy for this girl somehow.”

“Pag mabait ka, good karma ang nangyayari. You are very lucky Heart. What else can you ask for?”

Pero meron din namang haters ang nam-bash sa aktres. Plastikan lang daw ang pamilya nina Heart. Baka raw meron lang kailangan ang parents niya kaya biglang nagbago ang ihip ng hangin.

To this, one Heart fan said, “Love love love na… Haters gonna hate. Kung di sila bati may masasabi pero ngayon nagkabati na andami pa rin nasasabi. Mga ate mga buhay nyo nga pakialaman nyo!”

Ang aabangan na lang natin ay kung totoo ngang magkakaroon ng second wedding sina Heart at Chiz ngayong tanggap na nina Mr. and Mrs Ongpauco ang mister ng Kapuso actress.

Read more...