Balik-NBA Finals ang Golden State

OAKLAND, California — Winakasan ng Golden State Warriors ang ilang dekadang tagtuyot sa NBA Finals matapos
nilang sibakin ang Houston Rockets, 104-90, sa Game 5 ng Western Conference Finals kahapon.

Nagtala si Stephen Curry ng 26 puntos at walongt rebounds habang siHarrison Barnes ay nagdagdag ng 24 puntos para sa Warriors na nakumpleto ang 4-1 pagwawagi sa serye at umusad sa Finals sa unang pagkakataon matapos ang 40 taon.

“Why not us?” sabi ni league MVP Curry sa harap ng maraming tao matapos na tanggapin ng Warriors ang Western Conference trophy mula kay Alvin Attles, ang coach ng kanilang championship team noong 1975.

“The Bay Area’s been waiting for 40 years. It’s time,” sabi pa ni Curry.

Binalewala ng Warriors ang mabagal na panimula at kinailangang magpapawis sa nakangangatog na pagtatapos sa Game 5 para patalsikin ang Rockets at ikasa ang matchup kontra Cleveland Cavaliers simula Hunyo 5.

Pinamunuan ni Dwight Howard ang Houston sa kinamadang 18 puntos at 16 rebounds. Si MVP runner-up James Harden ay nagtala ng playoff-record 13 turnovers at umiskor ng 14 puntos mula sa 2-of-11 shooting.

“Tried to do a little bit too much and turned the ball over and gave them easy baskets in transition,” sabi ni Harden.

Read more...