Namayapa may utang sa SSS

GOOD day po, ma’am. Ako po si Lorna Pabilando na humihingi ng tulong sa inyo ukol sa aking asawang si Salvador Pabilando.
Nagtrabaho siya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Diliman, Quezon City sa loob ng 20 taon at binawian siya ng buhay noong April 07, 2011 dahil sa malubhang karamdaman.

Ma’am tulungan n’yo po ako dahil hanggang ngayon po ay hindi pa rin naki-clear ang aking asawa ng accounting department ng BIR. Sila na lang po ang hindi pumipirma sa clearance. Sabi nila ay kailangan daw po muna naming bayarang ang P54,000 na utang ng asawa ko.

Ma’am, wala po kaming ganoong halagang pera dahil mahirap lang po kami. Ako po ay 52- years-old, isang plantsadora habang ang aking mga anak ay may kanya-kanya nang pamilya na hirap din po sa buhay. Kaya wala po kaming kakayanan na mabayaran ang pagkakautang ng aking asawa.

Wala pong problema sa GSIS. Kinukulit na nga po kami kung bakit daw po hindi pa naki-claim ang death benefits ng asawa ko at saka po ang pension na dapat po ay napakinabangan ko kung hindi dahil lang sa accounting department ng BIR.

Pwede po kayang ibawas na lang ang P54,000 sa makukuha naming pera?
Sana po ay matulungan n’yo ako. Maraming salamat po.

Lubos na
gumagalang,

Lorna Pabilando, Dasmarinas,
Cavite

REPLY: Para sa inyo Gng. Pabilando: Kasalukuyan na pong nakikipag-ugnayan ang Aksyon Line sa personnel division ng head office ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Kagyat namin kayong bibigyan ng kasagutan kapag natugunan na nila ito.
Maraming salamat sa pagtitiwala sa Aksyon Line
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...