Jackpot sa Grand Lotto 6/55 papalo na sa P175M

655lotto
Inaasahang aabot sa P175 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola sa Sabado.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa P164.827 milyong jackpot prize ng Grand Lotto sa bola noong Miyerkules ng gabi.
Lumabas dito ang mga numerong 8-51-54-38-12-40. Nagkakahalaga ng P40.957 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P200,000 ang 10 mananaya na nakalimang numero. Tig-P2,100 naman ang 779 mananaya na naka-apat na numero at ang 18,851 mananaya ay baik-taya (P20).
Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Noong Marso 4 pa walang tumatama sa jackpot ng Grand Lotto kaya lumaki na ito.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon nito.

Read more...