Mataba magkaka-boyfriend din kaya? (2)

Sulat mula kay Joy  ng Sta. Maria, Treto,  Agusan del Sur

Problema:

1. Sa October 17, magtwo-29 years old na ako ang problema umabot ako ng ganitong edad, hindi man lang nakaranas na magka-boyfriend ng seryoso at pang-matagalan. Ang isa pa kasing problema ko ako ay may katabaan o chubby. Kapag nga ako sumasakay ng pampasaherong dyip hindi maiwasang sumimangot ang katabi ko kasi kapag umupo ako halos na sisiksik ko na ang aking mga katabi. Sinubukan ko namang magpapayat kaya lang talagang mahina ang kontrol ko sa sarili ko, lalo sa pagkain.

2. Sa palagay nyo po ba sa ganitong kalagayan ng aking pangangatawan magkakaboyfriend at magkakapamilya kaya ako kahit na mataba ako? Kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa kailan naman kaya ito mangyayari?

Umaasa,
Joy ng Agusan  del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kahit na medyo mataba ka, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang magkaka-gusto sa iyo at iibig ng tapat.

Numerology:

Ang birth date mong 17 ay nagsasabing bukod sa isang Aquarius ang lalaking magkaka-gusto sa iyo at iibig ng tapat, siya rin ay nagtataglay ng birth date na 7 o kaya’y 16.

Graphology:

Liitan mo langa ng iyong lagda, dahil sa pamamagitan ng maliit na lagda, unti-unti na ring liliit ang iyong kain. Kapag mahina o maliit ka ng kumain, hindi ka na gaanong tataba. At kapag medyo sumeksi ka na, mas mai-enjoy mo ang pakikipag-relasyon sa isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius na may birth date na 16.

Huling payo at paalala:

Kung sadyang natatabaan ka sa iyong pangangatawan, mas mainam kung susubukan mong mag-reduce, upang sa ganon, sa sandaling ikaw ay nagpa-sexy, mas lalo kang magiging kaakit-akit sa mga kalalakihan.
Ganon paman, Joy pumayat ka man o hindi, wala namang kaugnayan ang iyong pagiging chubby sa nakatakdang mong kapalaran, kung saan, ayon sa iyong kapalaran, sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo, sa edad mong 29 pataas, magkaka-boyfriend ka at makapag-aasawa, hatid ng isang lalaking may initial na R.J.

Read more...