Benjie Paras tsinugi agad sa Nathaniel; kasalanan ni Jackie Forster at 2 anak?

jackie forster

UMIKOT ang iba’t ibang speculations sa pagkamatay ng karakter na ginagampanan ni Benjie Paras sa seryeng Nathaniel. Hindi kasi inaasahan ng viewers na mamamatay agad ang dating cager sa teleserye since super close ng karakter niya sa bidang si Nathaniel (Marco Masa).

May mga nagsasabi na “pinatay” na si Benjie sa palabas dahil sa mga negative comments sa kanya sa social media kaugnay ng mga ‘di matigil-tigil na iringan ng pamilya niya especially his two boys na sina Andre at Kobe Paras laban sa ex-wife niya na si Jackie Forster.

Ilan sa comments na nabasa namin ay noong tinuligsa si Benjie ng isang netizen na hindi siya bagay sa role niya bilang “guardian” ng batang anghel na si Nathaniel.

Masamang impluwensya raw si Benjie sa kanyang mga anak kaya hanggang langit diumano ang galit sa kanilang ina na si Jackie. Sakto naman at nagkita kami ng isa sa mga artistang kasali sa Nathaniel na si Jairus Aquino sa clinic ni Dr. Jay Recasata na Faces & Curves sa Greenhills.

Isa si Jairus sa more or less 60 celebrity endorsers ng nasabing beauty clinic kabilang na ang Chinita Princess na si Kim Chiu. Paliwanag ni Jairus maiksi lang talaga ang role supposed to be ni Benjie sa Nathaniel.

Humaba pa raw ang role nito noong lagay na ‘yun dahil ang ex-PBA player ang naglalagay ng comedy sa show. Breaker ika nga sa mga madadadramang mga eksena sa Nathaniel.

In fact, nadagdagdan daw ang taping days nila dahil kay Benjie at nagre-shoot ng mga eksena na kasama ang tatay nina Andre at Kobe. From the start, alam daw nina Jairus na mawawala agad si Benjie sa Nathaniel.

Read more...