SINABI ng nanay ng sanggol na itinali na parang aso na biro lamang ang kanyang ginawa sa kanyang anak.
“The mother explained that what she did to her child was just a joke, but we said that it’s not an acceptable reason,” sabi ni Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman sa isang panayam sa Radyo Inquirer.
Ito’y matapos ipost pa ni Ayra Dela Cruz Francisco ang mga litrato ng kanyang isang-taon at kalahating-gulang na anak na lalaki matapos niya itong talian na parang aso at hapagan pa ng dog food.
Idinagdag ni Soliman na nakatakdang sumailalim si Francisco sa psychological assessment para madetermina kung may kakayahan siya na alagaan ang kanyang anak.
“Responsible parenthood is a challenge. You can’t just say that your child will not understand or remember what you are doing to him just because he is still a child. It’s not right,” ayon pa kay Soliman.
Sinabi pa ni Soliman na ipinagtanggol naman si Francisco ng kanyang asawa sa pagsasabing mabait naman ito at mabuting nanay.
Ayon pa kay Soliman, bagamat maaaring bisitahin ng mag-asawa ang kanilang anak sa pasilidad ng DSWD, iginiit niya na dapat munang tiyakin na magiging responsable si Francisco.
“The psychologist will assess her condition, and from there, the DSWD will formulate ways on how to help her and her family. The best interest of the child is our top priority,” aniya.
Kapag napatunayang nagkasala at nagpabaya, sinabi ni Soliman na maaaring maharap si Francisco sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law at Violence Against Women and Children Act.