Payo ni Kristine kay Kathryn: Magpakabait ka and be wise!

kristine hermosa

Nakakatuwa naman si Kristine Hermosa-Sotto nang magbigay ito ng advice kay Kathryn Bernardo na siya ngang gaganap sa role niya noon sa Pangako Sa ‘Yo.

Grabe ang init ng serye ngayon nina Kathryn at Daniel Padilla na nagsimula na noong Lunes, talagang pinag-uusapan ito sa social media.

At hindi pa man ipinapakita si Kathryn bilang si Yna Macaspac na ginampanan noon ni Kristine, ramdam naming tuwang-tuwa ang maybahay ni Oyo Sotto sa pagkakapili sa Teen Queen.

Payo ni Kristine kay Kathryn through a video message na ipinost ng isang kaibigan nito sa social media, “Hi Kath. Congrats. Galingan niyo. Magpakabait ka and be wise ok?”

Read more...