John Rendez sinisi sa pag-atras ni Nora sa Cannes filmfest

nora aunor

Merong lumabas na chikang kaya hindi raw sumakay ng eroplano si Nora Aunor patungong France to attend the Cannes International Film Festival ay dahil economy lang ang ticket ni John Rendez samantalang business class ang sa kanya.

Well, we saw the electronic ticket of Ate Guy recently and it showed na parehong economy ang ticket nila ni John Rendez, the reason why she decided na hindi na lang dumalo sa Cannes.

Imagine, ang tagal ng biyahe tapos nasa economy ka. Masyadong pahirap ‘yon kay ate Guy, ‘no! Anyway, happy si Ate Guy dahil apat na movies ang gagawin niya this year. One is with premyadong scriptwriter Ricky Lee.

Talagang si ate Guy ang bida sa kanyang unang attempt sa pagdidirek. Another is a movie with Adolf Alix at isa pang movie with Ronald Carballo bilang director.

May mga nagtatanong naman kung kailan uli gagawa ng teleserye si Ate Guy. Matagal-tagal na raw kasi nilang hindi napapanood sa TV ang Superstar.

‘Yung ibang Noranians kasi ay talagang hindi na makapunta sa mga sinehan para makanood ng sine kaya sa TV na lang sila umaasang mapanood uli ang kanilang idol.

Read more...