Annabelle: Nagpaplastikan lang kami, di ko pa siya napapatawad!

annabelle rama

SA wakas ay mapapanood na ang kontrobersiyal na reality family series na It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa buong mundo via The Filipino Channel simula ngayong June 6 at sa Lifestyle Network ngayong June 29.

Matutunghayan na ang nakakabaliw at nakakaaliw na mundo ng mga Gutierrez na tinaguriang Royal Family of Philippine Showbusiness sa loob ng 30-minuto na reality TV show.

Siyempre, nandiyan ang mag-asawang sina tito Eddie Gutierrez at tita Annabelle Rama, at ang kanilang mga anak na sina Ruffa, Richard, Raymond and Rocky, kabilang na ang kanilang extended families na sina Sarah Labahti at sister-in-law Alex, pati na ang mga anak ng mga Gutierrez siblings na sina Lorin, Venice and Zion.

Susundan ng camera ang buhay ng mga Gutierrez mula sa kanilang simpleng daily household routine hanggang sa kanilang glamorosong showbiz functions.

Matutunghayan ang mga simpleng pag-uusap, tawanan at minsa’y pag-aaway at pagbabati ng magkakapamilya. Abangan ang pag-uusap ng mag-inang Ruffa and Annabelle at pati na rin ang diskusyon ng mga magkakapatid.

Ngunit sa huli, makikitang mananaig pa rin ang pagmamahalan ng pamilya. Ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez ay sa direksiyon ni Karren Appathural Wiggins na mula sa mga kilalang shows na Australia’s Got Talent, Big Brother Australia and Real Housewives of Melbourne.

Sundan ang nakakatuwa at nakakabaliw na journey ng mga Gutierrez sa IPTV, satellite cable at mobile platforms ng TFC at sa official online service nito, ang TFC.tv ngayong June 6 at sa Lifestyle Network on June 29.

Sa presscon na ipinatawag ni kafatid na Jun Lalin for the said reality TV, dumating ang mag-anak na Tito Eddie, Tita Annabelle, Ruffa, Raymond and Richard sa Cocoon Hotel at napag-usapan nga ang tampuhan ng mag-inang Anabelle and Ruffa.

Hindi ba’t almost three months nang hindi nag-uusap ang mag-ina dahil hindi boto si Tita Annabelle sa current flame ni Rufing. Hayun and they don’t see each other eye to eye.

“Binabati ko naman si Mommy and kini-kiss pero deadma lang talaga siya. Hindi niya ako kinakausap. Nakatingin lang siya sa ceiling. Basta ako, alam ko sa sarili kong wala naman akong ginagawang masama kaya maghihintay lang ako ng araw na batiin na niya ako,” ang lumuluhang pahayag ni Ruffa.

“Nagpaplastikan lang kami ngayon (ni Ruffa). Galit pa rin ako. Hindi ko pa siya napapatawad. May mga bagay-bagay kasing hindi ko gusto. Kung noon nga ay dalawang taon ko siyang hindi kinausap ngayon pa kayang magtatatlong buwan pa lang.
“Darating din naman ang araw na magkakaayos siguro kami pero hindi pa sa ngayon.

Mula five years old pa lang ang batang iyan ay palagi na lang kaming nag-aaway-bati. Hindi naman ibig sabihing hindi ko siya mahal though minsan iniisip ko na rin kung anak ko ba talaga iyan? Kailangan niyang makaipon para sa pamilya niya, ‘no! Kailangan niyang makahanap ng lalaking bubuhayin siya at mga anak niya.

“Maraming dahilan kung bakit ganoon na lang ako sa kaniya. Ang nakakaloka nga nito, pag nagkakatampuhan kami, lahat silang magkakapatid ay parang kampi lahat kay Ruffa.

Ako na lang ang palaging may mali. Inglesan sila nang Inglesan. Ito namang si Eddie, pag siya ang kaharap ko, sasabihin niyang tama ako pero pag kasama niya ang mga anak namin, sila naman ang kinakampihan.

Ang ending kami ni Eddie ang nag-aaway dahil sa kanila,” pagtatapat ni Tita Annabelle. “Ako naman, alam ko namang pareho silang tama. Wala naman kasing mother na hindi nangangarap na malagay sa mabuti ang anak niya – and that’s how Annabelle is to our children.

Pero may point din naman si Ruffa, she is old enough, she also has a life of her own. Kaya pareho ko silang inuunawa,” ani Tito Eddie na tama naman ang point.

Ako naman, looking from the outside, I just admire this family. I just adore them. I have so much respect for Tito Eddie, I love Tita Annabelle’s guts as a mom – kahit sabihin pa nating she is the most feisty amongst all stagemoms in the world, she has a very big heart. Napakabait ng ginang na iyan.

At kahit naman nagkakatampuhan madalas si Ruffa and her mom, hindi mo itong makikitang sumasagot ng pabalang sa kanyang ina. She may speak her heart pero hindi barumbado iyan.

Kasi nga, maayos silang naitaguyod at napalaki ng kanilang mga magulang. Kaya I just love this family. Kaya sige na, ang buhay talaga ng mga Gutierrez ay pang-reality TV. Iba talaga sila! Ang cute nilang panoorin.

 

Read more...