Mahal pero gustong hiwalayan

AKO po si Amheer Langas Isnain-Lerio, 20-taong-gulang sa darating na Hunyo 15. Taga-Basilan, Lamitan City. Problema ko po kasi kung ano gagawin ko. May asawa po ako, magdadalawa na ang aming anak. Lagi po kaming nag aaway.

Sa mga maliit na bagay, lumalaki at ‘yun ang dahilan ng aming awayan. Mahal ko po siya at ang aming mga anak ngunit po sa mga araw na dumating sa aming dalawa, nawawala po ‘yung pagmamahal ko at gusto ko po siyang hiwalayan.

Ngunit ang aming anak ay di ko kayang iwan at ayoko pong magka-broken family siya. Ano po ang dapat kong gawin? Litong-lito po ako.

Umaasa,

Amheer Langas
Isnain-Lerio

Hi Amheer! Advance happy birthday! Salamat sa pagbabahagi mo sa amin ng iyong problema.

I’m assuming dahil medyo bata pa kayo, maraming mga adjustments at bagay pa kayong natutuhan. Normal naman ang mag-away pero may tamang paraan ng pagtatalo.

Personally, if I feel na hindi maganda ang mga sasabihin ko at masama ang pakiramdam ko, pinipili kong hindi makipagtalo.

Sometimes, nakakatulong na ipahinga muna ang sarili at huwag patulan ang minamahal.

Pangalawa, always find the humor in your situation or the thing that you fight about. Hindi lahat seryoso palagi.

Ikatlo, remember what’s important. Ikaw na rin nagsabi na pinag-aawayan n’yo ang maliliit na bagay. So itanong sa sarili, bakit n’yo ito pinag-aawayan? Also, it helps to realize, ano ba mas importante para sa inyo, ang maging tama o i-save ang family n’yo?

Ang maging tama sa argumento o may magulang ang mga anak n’yo? Sabi nga, choose your battles. Normal ito, Amheer, lahat ng mag-asawa dumadaan sa ganito. Be stronger and don’t easily give up.

Ang payo ng tropa

Hello Amheer! Sa mag-asawa hindi mawawala ang pag-aaway, maliit o malaki man na diskusyon, nariyan ‘yung magpapataasan pa kayo ng pride. Maghihintayan kayo kung sino ang susuko at susuyo kanino.

Ang magandang gawin nyo ay pag-usapan n’yo ang problema n’yo, pero pag-usapan ito kapag malamig na ang inyong mga ulo.

Bigyan n’yo rin ng panahon ang inyong mga sarili. Dumarating talaga ang panahon sa mag-asawa na nawawalan ng gana sa kanilang relasyon, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi nyo na mahal ang isa’t-isa.

Mag-date rin kayong dalawang mag-asawa, sariwain n’yo ‘yung mga dati nyong ginagawa, dati n’yong pinag-uusapan, wala naman masama kung landiin n’yo ang isa’t-isa, tutal mag-asawa naman kayo. Hehehe!

Ate Jenny B.

Hindi dapat magpadaus-dalos sa pagdedesisyon. Mababaw pa ‘yang problema mo kung tutuusin, kaya hindi dapat paghinaan ng loob. Meron ibang mag-asawa na mas malala pa ang problemang dinanas pero na-overcome nila ito.

Nasa maayos na pakikipag-usap at pagiging matapat sa kung ano ang niloloob ninyo sa isa’t isa ang susi para malagpasan ang pinagdadaanan ninyo.

Remilyn,
ng Bacoor, Cavite

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...