P156.6M jackpot sa Grand Lotto 6/55 wala pa ring nakakuha

grand lotto
May nanalo na sa P14.9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola noong Lunes ng gabi pero walang nakakuha sa P156.6 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office sa Baliuag, Bulacan tumaya ang nanalo ng jackpot prize ng Mega Lotto. Isa lang ang tumaya sa mga numerong 27-29-10-08-22-02.
Nanalo naman ng tig-P10,260 ang 72 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P210 naman ang napanalunan ng 2,723 mananaya na naka-apat na numero. Balik-taya naman ang 30,347 mananaya.
Samantala, inaasahang aabot sa P164 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto mamayang gabi.
Walang nakakuha sa mga numerong 6-44-48-35-54-27 na lumabas sa bola noong Lunes ng gabi. Umabot sa P39.4 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P141,050 ang 14 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,770 naman ang 888 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya ang 18,111 mananaya na naka-tatlong numero.

Read more...