Kathryn payag magsuot ng swimsuit

kathryn bernardo

Speaking of Kathryn, tiyak na ikatutuwa ng male fans ng Teen Queen ang sinabi nitong willing naman siyang magsuot ng swimsuit kung kailangan sa mga eksena niya sa seryeng Pangako Sa ‘Yo.

“Kung kailangan siguro sa scene, kung iyon ang nagawa sa original na kailangan talaga naming gawin, (papayag ako). Depende talaga sa scene. Basta ‘yung hindi bastusin, ‘yung nag-swimsuit lang kasi nasa pool siya,” anang dalaga.

E, payag naman kaya si Daniel dito? “Okay lang. Wala naman akong magagawa eh. Magagalit lang ako tapos ‘yun na iyon.”
Nagsimula na kagabi ang Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida kung saan bubuhayin ng KathNiel ang iconic roles nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa bilang sina Yna at Angelo.

Read more...