Sa wakas, Tutti wagi sa YFSF bilang Ely Buendia

tutti

SA wakas nanalo rin ang rocker na si Tutti Caringal sa weekly showdown ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa huling labanan mula sa mga juror at kapwa contestans.

In fairness, sa lahat ng performances ni Tutti, ang panggagaya niya sa Pinoy rock icon na si Ely Buendia sa 11th week ng Your Face Sounds Familiar ang pinaka-applauded.

Hindi man 100 percent niyang nagaya si Ely Buendia sa looks at sa boses, pasado na ito sa mga manonood. Ang kalahati sa napanalunang P100,000 ni Tutti ay ido-donate niya sa ilang day care centers in Cabuyao, Laguna kung saan nagsisilbi siyang municipal councilor.

Todo-pasalamat naman ang bokalista ng bandang 6CycleMind sa mga papuring ibinigay sa kanya ng tatlong jurors matapos niyang kantahin ang classic song ng Eraserheads na “Ang Huling El Bimbo”.

Ipinagmalaki rin ng rock singer na ang ginamit niyang gitara nu’ng gabi ng performance ay pag-aari mismo ni Ely na ginamit din sa MTV ng “Ang Huling El Bimbo”.

Ayon kay Gary Valenciano, “Tutti, you really are, 100% unadulterated, pure rocker. That’s what you are. And because of that, I feel that you did an excellent job doing Ely Buendia.”

Sey naman ni Jed Madela, “Isa lang ang masasabi ko sa performance mo ngayong gabi – kapani-paniwala. You sound like Ely, you look like Ely, ‘yung expression sa mukha mo, the way you moved on stage.

Actually you didn’t move, but then ‘yung aura mo was really Ely Buendia on stage.”  Ang komento naman ni Sharon Cuneta, “You are a rock star, you really are. You’ve always been, that is you.

But you have been assigned many rock artists on our show. Ang lagi kong hinahanap, Tutti, ‘yung gusto kong marinig ‘yung konting similar na similar sa boses.

I think tonight, hindi eksaktong Ely, pero you nailed it. I love this performance of yours.”  Ngayong darating na weekend ang huling showdown ng lahat ng celebrity contenders sa YFSF at pagkatapos nito, pipiliin na ang top four performers na siyang maglalaban-laban sa grand finals.

Read more...