Naghahabol ang dating ka-live-in (2)

Sulat mula kay Daisy Matabao, Buenavistya, Agusan del Norte

Problema:

1. May nakalive-in dati ang mister ko at nagka-anak sila ng isa, pero ng bandang huli nagkahiwalay din sila. Sa puntong iyon doon naman kami nagkakilala, niligawan nya ako at sinagot ko naman siya. Huli na ng malaman kong may anak pala siya sa dati niyang ka-live in. Ang problema naghahabol ang dating ka-live in ng mister ko at nagbanta na guguluhin daw po kami kapag hindi nya sinustentuhan ang kanilang anak na sa ngayon ay nasa pangangalaga ng dati nyang ka-live at 7 years old na. Itatanong ko lang kung may habol pa ba sa mister ko ang dati nyang ka-live in nya kahit hindi naman sila kasal?

2. Natatakot akong baka nga totohanin ng babaing ito na idemanda kami, dahil naranasan ko na po ang magkaroon ng kaso dati ng masangkot sa isang krimen ang kapatid ko. Pakitingnan naman po kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran lalo na family at love life? February 7, 1989 ang birthday ko at October 10, 1984 naman ang asawa ko.

Umaasa,
Daisy Agusan  del Norte
Astrology:

Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at Libra naman ang mister mo ang nagsasabing ang ligaya, dahil suwetong-suweto at compatible kayong dalawa. Walang sinuamng puwersa o babae ang makapaghihiwalay sa nabuo ninyong pag-iibigan na aabutin hanggang sa wakas at hanggang magpagkailan man.

Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing mahina ang iyong loob at may takot sa iyong puso, kaya namumroblema ka. Ngunit dahil strong number ang birth date na 10 ng iyong mister, basta’t sumunod ka lang ng sumunod sa pinapagawa niya, tuloy-tuloy, walang hadlang, gaganda at magiging maligaya ang inyong pagsasama habang buhay.

Luscher Color Test:

Upang manatili ang katapatan at pagmamahalan sa inyo puso at kaluluwa kahit na may naghahabol sa iyong mitser na dati nyang ka-live in, mas mainam kung lagi kayong gagamit ng kulay na berde, pula at green. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magbubuklod sa mainit ninyong pagmamahalan.

Huling payo at paalala:

Daisy ayon sa iyong kapalaran sa kasalukuyan ang pagmamahalan ninyo ng iyong asawa ay tunay na tunay ngang hindi matitinag, kaya wala kang dapat ipagalala sa banta at pang gugulo ng dating ka live in ng mister mo. Sapagkat wala naman siyang magagawa, tulad ng nasabi na, kahit maglupasay pa siya sa kalye at maghabol kung saan man niya gustong mag habol, dahil kasal kayo ng mister mo, tulad ng nasbai na, mananatiling tapat, maligaya at pang habang buhay na ang inyong pagmamahalan.

Read more...