OH gosh! Harana Boys finally land onstage tonight at the Araneta Coliseum as they open the much-awaited Boyzone concert produced by dear friend Joed Serrano.
Finally rin ay makamayan sana namin ang super-sikat na lead vocalist nitong si Ronan Keating na napapanood lang natin sa Australia’s Got Talent.
Siyempre, join ako sa alaga kong si Michael Pangilinan who’s part of Harana Boys sa backstage ng Araneta – and mind you, this is Michael’s second time na makapag-perform sa Big Dome after ng very successful Himig Handog P-Pop Love Songs songfest last year kaya ganoon na lang sila ka-excited along with his co-Harana members.
“We will do the opening act for Boyzone. Parang kailan lang, ‘Nay, di ba? Dati kung saan-saan lang tayo nagso-show at naggi-guest, ngayon, front act na kami sa Araneta.
Galing, di ba? Baka bukas-makalawa, nandoon na ang Harana Boys sa Philippine Arena. Ha-hahaha! “Seriously, sobrang happy kami at kami ang napili to open Boyzone’s concert. Ibang level na ito for Harana.
Tsaka for me, as an independent artist, grabe ang saya ko dahil nakakasubok na akong makapag-perform with named artists. Hindi lang nila alam siguro kung gaano ko na-appreciate itong mga nangyayari sa singing career ko.
“Salamat talaga kay God for giving me this talent in singing dahil ito naman talaga ang gusto kong gawin eh – ang kumanta nang kumanta. Hindi ko ma-imagine kung ano ang magiging buhay ko kung hindi ako singer ngayon.
Siguro nandoon pa rin ako sa stage na magdamagan sa computer shops at naglalaro ng dota. Ha-hahaha!” biro pa ni Michael. Ang ganda ng version ng Boyzone ng “You Needed Me” ni Anne Murray.
Nakita ko sa YouTube ang song na ito that won for Anne her Grand Prize sa Tokyo Music festival many years ago.Ang daming hits ng Boyzone kaya hindi talaga ito palalagpasin tiyak ng kanilang mga Pinoy fans.
Good luck sa Boyzone – lalo na sa Harana Boys dahil first time nila ito with a very huge crowd. Congrats na rin in advance, tama? Of course!!!