PNP members tumanggap ng kalahati ng kanilang 13th month pay

INILABAS na ng Philippine National Police ang P1.9 bilyon budget nito para sa kalahati ng 13th month pay nang may 155,000 uniformed at non-uniformed personnel ng Pambansang Pulisya.

Nitong Biyernes ay tinanggap na ng mga pulis at non-uniformed member ng PNP ang kalahati ng kanilang 13th month pay.  Ang susunod na kalahati ay ipagkakaloob naman sa Disyembre.

Ayon kay Senior Superintendent Bartolome Tobias, PNP spokesperson, hindi naman matatanggap ng mga pulis na may ga kasong kriminal at administratibo ang kanilang 13th month pay, base na rin sa ipinaiiral na administrative policy.

 

Read more...