Vice pinagtripan sina Vhong at Billy; James nag-display ng katawan

VHONG NAVARRO

Punung-puno ang Araneta Coliseum last Friday para sa concert ni Vice Ganda.

Mala-Diyosa ang costumes, pati ang parang horse-drawn carriage na super laki ay bonggacious din. Nagpaseksi si James Reid who showed his to-die-for body sa isang number.

Nilandi rin ni Vice sina Vhong Navarro and Billy Crawford na game na game naman. Nakakaloka na pati ang pagtestigo ni Vice sa kaso ni Vhong ay ginawa niyang joke. Tawanan ang mga tao.

We noticed na medyo malinis ang jokes ni Vice ngayon, ha, considering na for adults ang kanyang concerts. Walang masyadong kabastusan, ni-level up niya ang kanyang pagpapatawa.

Ni wala ngang political jokes, wala siyang masyadong pinaglaruang personalities. Sa isang dance number niya with the G-Force, Vice made an aria about beauty na siyang theme ng concert.

He was able to get his message across about what we all aspire for – beauty. Naitawid niya ang mensahe by using two dancers in the show, ‘yung isa guwapo at ‘yung isa hunky. Vice was able to stress his point, the disparate views about what beauty is.

Read more...