Toni nag-walkout sa concert ni Vice Ganda?

toni gonzaga

Bumida si Alex Gonzaga sa mga kuwentuhan pagkatapos manood ng concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum ang isang tropa ng mga becki.

Nu’ng nakaraang buwan pa ang first major concert ni Alex pero hanggang ngayo’y pinagpipistahan pa rin ng mga becki ang pagka-flop nu’n.

Sabi ng isang becki, “Sana, pinanood ni Alex ang show ni Vice para nakita niya ang totoong meaning ng successful concert. Nandu’n si Toni, pero biglang nawala, napahiya rin kaya ang sister niya sa pagkapuno ng Big Dome sa concert ni Vice Ganda?”

Sabad naman ng isang becki sa umpukan, “Naku, tantanan nga ako na napuno niya ang Araneta? Tama, napuno nga niya, napuno niya ng inis ang mga taong nakakaalam ng totoo.

“Di ba, may press release pa ang kampo ni Alex na malapit na raw maubos ang tickets sa show niya? Ano’ng sabi ng isang taga-Araneta mismo, ‘Of course, not! Hindi totoo ‘yun, hindi nga gumagalaw ang bentahan ng ticket niya!’

Napuno uli ni Vice Ganda ang Araneta Coliseum, pang-apat na major concert na niya ang ginanap nu’ng Biyernes nang gabi, pero literal pa rin niyang pinaapaw ang Big Dome.

“Yun ang totoong punumpuno, ‘yun ang successful! Hindi namigay ng tickets si Vice, kahit ang mga sponsors niya, walang ipinamigay na free tickets!

“Alam ba ng kampo ni Alex ‘yun?” nakataas pa ang kilay na hirit ng mga becki sa umpukan. Mismo!

Read more...