Darla hindi na mapapanood sa Kris TV; Tetay may bago nang partner

darla sauler

TAPOS na ang hosting stint ni Bimby sa Kris TV dahil patapos na ang summer, sey ni Kris Aquino.

May bagong co-host ang Queen of All Media sa kanyang morning show, “I have a new co-host, very, very exciting, niligawan ko ‘yung co-host na ‘yun, hindi nyo aakalaing papayag siyang makatrabaho ako kasi lalaki siya.

He represents the young male and barubal and marami siyang hashtags na napasikat pero he’s very well respected in the academe, meron din siyang mga best-selling books.

“Ako mismo, he was my choice kasi we are celebrating the 4th year anniversary and we want to be the audience concept in you. Nagkaroon siya ng hesitation, kinausap ko siya, inaaral niya ako as we speak, tinext ko siya ng happy birthday, at sinabi niya na, ‘nanonood ako actually ng mga lumang episodes (Kris TV)’ at ako naman, binabasa ko mga libro niya,” ang sey ni Kris.

Hanggang sa nag-post na si Kris ng litrato kasama si Ramon na may caption na: “With the new member of Kris TV family. Kris TV with RB. Very soon!!!”

Samantala, hindi nabanggit ni Kris na magre-reformat ang kanyang programa dahil totally, sila na lang ni Ramon Bautista ang mapapanood at hindi na kasama si Darla Sauler.

Si Darla ang headwriter ng Kris TV at tagatikim ng mga kinakain ni Kris. In fairness, maraming naging supporters si Darla sa iba’t ibang bansa dahil sa Kris TV.

 

Read more...