Reportedly, nagparamdam daw itong si Claudine sa Star Magic, ang dati niyang management company.
Kaya lang, deadma na sa kanya ang namamahala ng management outfit ng ABS.
It was as if she wasn’t the big star of the company then.
Tama ba ang nabalitang hindi siya kinausap ng Star Magic boss? Well, this should serve as a very big lesson for her.
Why would you make your presence felt sa isang kompanyang iyong biglang iniwan?
Bakit after two years ay magpaparamdam ka?
Claudine should realize that her success in showbusiness is greatly attributed to the management of Star Magic.Ang kompanya ang nagpasikat sa kanya kaya masyadong masakit ang ginawa niyang pang-iiwan.
Lumipat si Claudine sa GMA at kumuha ng bagong manager.
Ang akala naman niya ay mapapanatili niya ang kanyang kasikatan sa Kapuso network but she was wrong, very, very wrong.
Her drama series failed to rate.
After that, nasundan na lang ito ng guesting sa mga soap opera ng Siyete.
For a time ay ginawa rin siyang co-host sa isang Sunday talk show.
But now, floating ang career ni Claudine. Hindi na kasi siya ni-renew ng Siyete for reasons known only to them.
Nawala tuloy ang momentum niya sa pag-arte.
Tapos na-involve pa sa isang kontrobersiyal na kaso, ang pakikipagbugbugan sa veteran journalist na si Mon Tulfo?
Kaya hindi natin masisisi ang Star Magic kung dedmahin na siya.