Vin Abrenica kinastigo ng TV5: Hindi ba siya nahihiya…dakdak siya nang dakdak!?

By Reggee Bonoan May 24,2015
share this

Vin Abrenica kinastigo ng TV5: Hindi ba siya nahihiya…dakdak siya nang dakdak!?

By Reggee Bonoan May 24,2015
share this

mark neuman

Tinawagan kami ng TV5 executive para linawin ang sinasabi ni Vin Abrenica na masama ang loob niya dahil sa iba napunta ang project na Baker King.

Sa huling interview kay Vin ay inamin niyang umiyak siya nang malamang kay Mark Neumann na ibinigay ang nasabing proyekto na diumano’y unang in-offer sa kanya.

“Anyare? Bakit siya (Vin) nag-iiyak, e, eversince hindi naman sa kanya ang project? Original talaga si Mark Neumann. It’s a Mark and Shaira Mae project.

Saan nanggagaling si Vin sa sinasabi niyang sa kanya dapat ang Baker King? Helloooooo? Alam ba niya pinagsasabi niya? Hindi ba siya nahihiya?” pahayag sa amin ng isa sa bossing ng TV5.

Hindi naman daw napapabayaan ang baguhang aktor dahil kasama naman siya sa Wattpad Presents, “Meron naman, may Wattpad siya, eh. E, kasi nagmamaktol ‘yan kasi siya ang winner sa Artista Academy tapos waley pa rin nangyayari sa kanya, naungusan na siya ni Mark.

“Imbes na mag-iiyak siya at mag-emote ng todo, pagbutihin niya ang trabaho niya, ayusin niya ang acting niya, hindi ‘yung kung dakdak siya nang dakdak. Hay, naku!” malamang sabi sa amin.

Oo nga bossing Ervin, bakit nga ba hindi sumikat-sikat itong kapatid ni Aljur Abrenica? Puro nega pa ang nababasa namin sa pag-iyak niya. May nagsabing, magtinda na lang daw siya ng tinapay na bineyk sa Baker King, lumipat na lang daw siya sa ibang network kung hindi siya napapansin sa TV5.

Kung kami kay Vin, imbes na ngumalngal siya, pagbutihin na lang niya ang kanyang trabaho at huwag nang magsalita nang kung anu-ano laban sa kanyang mother network dahil baka lalo lang siyang mapasama.

Speaking of Baker King, deserving naman si Mark Neumann sa project, dahil ipinakita naman niya kung paano siya nagtiyaga sa TV5 pagkatapos sumali sa Artista Academy.

Ilang beses naming nakausap noon si Mark at nabanggit niya na handa siyang gumanap sa iba’t-ibang klaseng role na ibibigay sa kanya at hindi siya mamimili at hindi rin siya nagmamadali.

Off-camera ay nakita rin namin kung gaano kabait, kababang-loob at kung paano siyang makisama sa production at iba pang katrabaho, wala talaga siyang yabang.

Parati siyang nakangiti sa lahat maski nasasalubong lang niya. Hindi rin siya napapagod magpa-picture sa mga gustong magpakuha sa kanya maski na nagmamadali siya.

Kaya naman unti-unti nang nagbubunga ang mga pagsisikap ng binata at napapansin na rin siya internationally dahil kamakailan lang ay tinanghal siyang Smile Ambassador para sa mga may cleft palate.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending