Enrique-Liza loveteam maraming palalamunin ng alikabok

lisa soberano

IN fairness sa teleseryeng Forevermore, super taas talaga ng rating nito from day one till it ended last Friday. Nakabuo rin sila ng matatag na team-up sa katauhan ng mga lead stars nilang sina Enrique Gil and Liza Soberano.

Iyon nga lang, marami ang nagku-comment na mukhang mas matanda si Enrique kaysa kay Liza dahil nagba-vanish na raw kasi ang buhok ni Enrique for a very young seventeener na si Liza. But they look good together naman, di ba?

Malinaw naman sa press releases ng dalawa that they are close to each other — na parang nagpapalipad-hangin na nga si Quen (palayaw ni Enrique) kay Liza pero she’s too young pa raw to have a boyfriend.

Pero marami raw siyang gusto sa mga katangian ni Quen. Ang tanong ngayon, since tapos na ang kanilang toprating serye, didiretso pa raw kaya ang loveteam nila sa totohanan? Didiretso pa raw kaya ang panliligaw ni Enrique kay Liza?

Baka raw kasi co-terminus lang ito ng kanilang palabas, di kaya? Kungsabagay, hindi naman ang team-up lang nila basta ang sinubaybayan ng mga tao sa Forevermore eh — it’s more on the story and locations na sobrang kaygaganda nga naman.

Add on na lang ang team-up nila sa pagsubaybay ng mga tao. Magaling kasi silang umarte sa screen and this girl Liza is truly very beautiful. I saw her without make-up when she guested in our “Mismo” program sa DZMM with Papa Ahwel Paz at talaga namang napakagandang bata.

Good luck na lang sa team-up nina Liza and Enrique. I have a feeling na maalagaan lang ang loveteam nila, marami silang pakakainin ng alikabok. Believe me.

Ganda kasi ng slanting eh — hindi pilit kahit mukha lang mas matured si Quen kay Liza. Bagay naman sila, di ba?

Read more...