NEW YORK — Sina Golden State Warriors guard at league MVP Stephen Curry at Cleveland Cavaliers forward LeBron James ang naging mga unanimous selection sa All-NBA first team.
Sina New Orleans Pelicans forward Anthony Davis at Memphis Grizzlies center Marc Gasol ay sinamahan namn si Curry bilang mga bagito sa All-NBA first team. Si Houston Rockets guard James Harden, na napili sa ikalawang sunod na pagkakataon, ang bumuo sa nasabing koponan.
Sina Curry at James ay parehong tumanggap ng first-team votes sa 129 balota kahapon. Nakuha naman ni James ang ikasiyam na first-team selection sa loob ng 12 taon para makatabla sina Larry Bird, Magic Johnson at Oscar Robertson para sa third all-time.
Ang botohan ay isinagawa ng mga huradong binubuo ng mga writers at broadcasters mula sa U.S. at Canada na bumoto ng dalawang guards, dalawang forwards at isang center na bumubuo sa first, second at third team.
Si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook ang nanguna sa second team at nakasama niya sa koponan sina Portland Trail Blazers forward LaMarcus Aldridge, Los Angeles Clippers guard Chris Paul, Chicago Bulls forward Pau Gasol at Sacramento Kings center DeMarcus Cousins.
Ang third team ay binuo naman nina LA Clippers forward Blake Griffin at center DeAndre Jordan, San Antonio Spurs forward Tim Duncan, Cleveland Cavaliers guard Kyrie Irving at Golden State guard Klay Thompson.