HUWAG sanang padadala si Sen. Grace Poe sa mga sulsol sa kanya na siya’y tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.
Ang layunin ng mga nagsusulsol sa kanya ay upang maipagpatuloy ang kapangyarihan ng Liberal Party, na ngayon ay administration party, at hindi ang kapakanan ng bayan.
Oo nga’t si Grace Poe ay matalino, may kakayahan (competent) at mapagkakatiwalaan sa pera (honest), pero wala pa siyang karanasan sa pagpapatakbo ng gobyerno.
Isa pa, siya’y batambata pa.
Kung tumakbo at maging pangulo si Poe, papaligiran siya ng mga humihingi ng pabor, ng mga taong maniningil sa kanya dahil siya’y pinatakbo nila.
Paiikut-ikutin lang siya ng kanyang mga taong nakapaligid sa kanya. They would take advantage of her inexperience.
Magiging kagaya siya ni Pangulong Cory Aquino na tapat sa tungkulin at mapagkatiwalaan sa pera, pero ginawa namang tanga ng mga nakapaligid sa kanya.
Hindi pa hinog si Grace Poe para maging Pangulo, ‘ika nga, pero puwede siyang tumakbo sa pagka-vice president.
Tiyak na siya’y ma-nanalo.
Bilang bise presidente, matutunan ni Poe ang pasikut-sikot sa pagpa-patakbo ng national go-vernment.
Kung ang maging pangulo ay kanyang running mate, pwede siyang iluklok bilang Secretary of Interior and Local Government kung saan siya “mahihinog” sa pagiging presidente.
Kung mamarapatin ni Grace Poe, magandang katandem niya si Davao City Mayor Rody Duterte.
Ang Duterte-Poe tandem ay walang talo.
Kung maging pangulo si Duterte at si Grace ang kanyang maging Vice President, malaki ang magagawa nilang dalawa sa bansa.
Si Duterte ay may karanasan sa pagpapatakbo ng gobyerno at si Poe naman ang magiging gabay niya sa malinis na gobyerno.
Grace Poe would give Duterte’s strict adherence to the rule of law a feminine touch.
Mahigpit kasing pinatutupad ni Duterte ang batas sa Davao City kaya’t halos zero crime rate ang lungsod.
Kapag naging pangulo si Duterte, malulutas ang problema sa droga ng bansa.
Ang droga ang ugat ng halos lahat ng krimen sa bansa: rape, robbery, burglary, murder, among others.
Karamihan sa mga taong nagsasagawa ng krimen ngayon ay nasa impluwensiya ng droga.
Walang problema ang Davao City sa droga. Ang Davao ay tanging lungsod sa bansa na walang ganoong problema.
Ang mga drug traffickers pushers at traffickers ay nawawala na parang bula o nakikitang nakabulagta sa kalye sa lungsod.
Ganoon din ang nangyayari sa mga pusakal na kriminal.
Sa Davao City, maraming mamamayan na nasa kalye sa disoras ng gabi at hindi ka natatakot na sila’y magi-ging biktima ng mga masasamang-loob.
Dahil dito, nahirang ang Davao City kamakailan na “the 9th safest city in the world.”
Patuloy na umuunlad ang Davao City dahil sa peace and order sa lungsod.
Umuunlad kasi ang ekonomiya sa isang lugar kapag ito’y matahimik.
Maraming negosyante at business firms ang nagtatayo ng kanilang negosyo sa Davao City dahil hindi sila pinahihirapan ng mga tauhan ng City Hall.
Isang Tsinoy na may-ari ng chain of retail stores sa buong bansa ang nakapagsabi sa inyong lingkod na wala siyang binigay ni kusing sa mga tauhan sa Davao City Hall upang magtayo ng negosyo sa lungsod.
Isipin na lang natin: Kapag ang lahat ng bayan o lungsod ay magaya ang Davao City sa katahimikan, tiyak na uunlad ang buong Pilipinas.