DECISION 2013: KOKO PIMENTEL: ‘Ayokong makipagplastikan kay MIGZ’

Ni Liza Soriano

HINDI na nanibago ang maraming tagasuporta ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa naging desisyon nito  noong isang linggo na tuluyang  kumalas sa United Nationalist Alliance (UNA) kaysa naman makasama si dating  Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri.

Gayunman, tuloy aniya ang kanyang laban sa pagkasenador sa 2013 sa ilalim ng PDP Laban.

Ngunit sa kanyang pagkalas sa UNA, umamin sa Inquirer Bandera si Pimentel na maaaring malagay sa alanganin ang kanyang kandidatura.

“I would prefer to face the consequences, I would prefer to lose. I am ready,” sagot ni Pimentel nang tanungin kung hindi ba ito natatakot na mawala sa UNA nakilalang malakas na partido ngayon.

Malaki umanong kawalan ang maalis sa listahan ng UNA dahil itinuturing itong “topseed” party ngayon dahil sa mga bigating tao na nasa likod nito gaya nina dating Pangulong Joseph Estrada, Vice President Jejomar Binay at Senate Preisdent Juan Ponce Enrile.Ngunit hindi umano niya masisikmura na makasama sa iisang partido o senatorial lineup ang lalaki na siyang umagaw diumano sa puwesto niya sa Senado.

“ UNA is really a top seed. I was active in UNA, I could see the good politician, the people lining up UNA.

So really i got an impression that it is really a top seed. But then it was changed when Miguel Zubiri entered the line up via PMP and since I felt I cannot run with him.”

Pagpapakita ng katapangan at paninindigan ang naging desisyon ng senador huwag lamang maisakripisyo ang kanyang ipinaglabang hustisya at katotohanan makarang maipagkait sa kanya ang apat na taong posisyon sa Senado.

“My conscience says it would be inconsistent with my concept of what is right and wrong if I ran on the same ticket under UNA.

I protested against Miguel Zubiri for cheating me in many parts of the country.”

Paliwanag pa ni Pimentel na kung mananatili siya sa UNA habang naroroon din si Zubiri ay hindi umano siya magiging masaya.  Magiging kalbaryo lamang ang kanyang pangangampanya.

“I will not be happy. Siyempre gusto ko rin happy ako sa kampanya.

I am sure JPE will agree with me na dapat happy ako sa kampanya  Pero how can you be happy sa campaign, makikipagplastikan? Hindi yata puwede yon,” pahayag pa ni Pimentel sa Bandera.

Anya mas masarap tumakbo na hindi mabigat ang kalooban at mas okay lang na matalo na alam mong talagang talo ka at hindi dinaya.

At kung hindi umano siya palarin sa pagtakbo sa 2013, handa naman siyang bumalik sa pribadong buhay.

“Balik tayo sa private life… citizen as a  law abiding productive private citizen.

I will just practice my profession, go back to teaching  and bring up my two boys,” dagdag pa ni Pimentel.

Editor:  May tanong, reaksyon o komento ba kayo sa artikulong ito? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374

Read more...