Jackpot sa Grand Lotto 6/55 aabot na sa P148M

655lotto
Inaasahang aabot sa P148 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola bukas ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P140.6 milyong jackpot prize sa bola noong Miyerkules ng gabi kung saan lumabas ang mga numerong 39-21-12-42-49-48.
Umabot sa P37.4 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P93,720 ang 20 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,890 naman ang 791 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik-taya (P20) ang 17,295 mananaya na nakatatlong numero.
Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon. Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...