Horoscope, May 22, 2015 | Bandera

Horoscope, May 22, 2015

Madam Sophia - May 22, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mangyayari ang mga bagay na inaakala mong imposible—sa kabila ng pagkalugi ay biglang darami ang salapi. Sa pag-ibig, may isang hindi inaasahang romansang magaganap. Mapalad ang 4, 17, 28, 31, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Yellow at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Isang dating kaibigan ang makakatagpo at may iaalok siyang sideline. Pagkakataon mo na ‘yan para madagdagan ang iyong income. Sa pag-ibig, sa isang Sagittarius matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 9, 21, 30, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Red at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magkakapera ng malaking halaga kung laging magdidikit sa isang Capricorn. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag nagkapera ay paglaanan ang nalalapit na pasukan upang mas maging maligaya ang mga bata. Mapalad ang 2, 7, 16, 28, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Green at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung palagi kang panghihinaan ng loob ay walang mangyayari! Tama ang kasalukuyang ginagawa— maging matapang! Sa pag-ibig, lakas ng loob ang susi upang mapagwagian ang puso ng minamahal. Mapalad ang 5, 13, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ava-Yara-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—May bababala ng karamdaman! Pahinga muna sa trabaho! Maglibang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook. Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, mapapahamak ka lang. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Puranha-Om.” Maroon at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kahit na marami kang salapi, hindi ka dapat mang-api ng iyong kapwa. Sa pag-ibig at pinansyal, habang minamahal ang iyong kapwa lalo na iyong mga maliit ay lalo kang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 7, 13, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Iwasan ang isang hangal na relasyon hatid ng isang medyo chubby na nilalang. Sa pinansyal, kung pabago-bago ka ng karelasyon, paano ka yayaman at liligaya? Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 2, 5, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kastha-Raga-Om.” Silver at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Lingid sa iyong kaalaman maraming humahanga sa iyo! Sa pinansiyal, may malaking halaga ng salapi na matatanggap. Sa pag-ibig, isang payat na kayumanggi ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 6, 12, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—May kakaharaping suliraning may kaugnayan sa salapi. Dating gawi ang tanong sa sarili: “Sino kaya ang mauutangan?” Isang kabigang Cancer ang maaaring makatulong sa problemang pinansyal. Sa pag-ibig, obligahin ang kasuyo na magbigay ng tamang budget tuwing akinse at katapusan. Mapalad ang 7, 9, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga imoral at iligal na gawain upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Iwasang maging mainitin ang ulo upang hindi masalubong ang masamang kapalaran. Sa pagiging mahinahon, mas lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, habang nagpapakabait lalong sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Orange at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansyal, hindi mo napapansin inuuto at sinasamantala ka lang nila. Sa pag-iibig, ipakita sa minamahal at sa mga kaibigan na marunong ka ring magalit upang hindi siya umabuso. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Green at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong diyan ka kumikita ng pera. Sa pag-big, hindi rin dapat pagsawaan ang kasuyong Cancer, alalahanin mong sa kabila ng lahat napagtiyigaan ka niya. Mapalad ang 3, 16, 21, 33, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending