Alex Gonzaga mawawalan na ng trabaho sa ABS-CBN

ALEX GONZAGA

ALEX GONZAGA

Maganda ang entrada ni Alex Gonzaga sa ABS-CBN mula sa mahabang panahon ng pananatili niya sa TV5.

Nagkaroon agad siya ng teleseryeng pagbibidahan, nag-host pa sila ng kanyang Ate Toni sa mga talent search ng istasyon, at ang pinakamatindi ay nag-concert siya sa Smart Araneta Coliseum.

Maraming nagtaka, bakit puro magagandang oportunidad agad ang ibinibigay ng network kay Alex, napakaraming artista ng Dos, bakit parang sinapawan pa niya ang mga kaedad niyang dinatnan sa istasyon, sino ba ang kanyang backer?

Kalat na ang kuwento kung paano ipagpilitan ng kanyang ina si Alex, may mga kuwento pa ngang lumabas na nilalampasan ni Mommy Pinty ang mga dapat nitong kausapin sa ibaba, bago dumiretso ang ina nina Toni at Alex sa itaas.

Hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin sa mga umpukang-showbiz ang tahasan nilang pamimigay ng libreng tickets sa concert ng young actress, flop na flop kuno ang palabas, dumami lang ang tao dahil sa mga ipinamigay nilang tickets.

Kuwento ng isang source, “Hanggang one season lang ang Inday Bote, hindi na nadugtungan. Wala rin si Alex sa season 2 ng The Voice Kids. Napansin siguro ng network na pilit na pilit ang popularity ni Alex.

“Masyadong minadali, inapurang masyado, kaya pinagsawaan siya agad ng publiko. ‘Yun ang mahirap kapag hinog lang sa pilit ang popularity, nandiyan siya ngayon, pero bukas, waley na!” komento ng aming kausap mula mismo sa Dos.

Read more...