Pang-8 na BF ang makakatuluyan

Sulat mula kay Isabel ng Telegrafo, Tolosa, Leyte

Dear Sir Greenfield,

Maraming beses na po akong umibig at nakipag-relasyon ngunit ang pinagtataka ko lagi akong naiiwang luhaan. Kung sino pa ang tapat magmahal siya pa ang nawawalan.
Sa palagay nyo Sir kaya kaya madalas akong iwanan ng mga naging boyfriend ko dahil hindi na ako virgin. First year high school palang kasi ako noon ay minolestiya na ako ng pinsan ko.
Sa ganitong kalagayan nang aking love life, pito na na ang nagiging boyfriend ko pero walang nagtagal, may lalaki pa kayang iibig sa akin ng tapat at papakasalan ako? . Kung mayroon kailan kaya siya darating? April 13, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,
Isabel ng Tolosa, Leyte

Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Matapos pumangit at nabiyak ang unang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.), mapansin-pansin na gumanda, tuwid at naayos na ang ikalawa (arrow 2.).
Ito ay tanda na sa huli at pang-walong boyfriend, magtatagumpay ka na at habang buhay na liligaya.

Cartomancy:

Eight of Dimaonds, Ace of Hearts at Eight of Hearts ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong ito ng 2015, sa edad mong 28 pataas, sa sandaling umibig kang muli, ang lalaking iibigin mo ang siya mo na rin mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang simple at masayang pamilya.
Itutuloy…

Read more...