NANAWAGAN sa ating gobiyerno ang New York-based Human Rights Watch (HRW) na imbestigahin si Davao City Mayor Rudy Duterte sa pagpatay ng notorious na mga criminals sa kanyang siyudad.
Sinabi ng HRW na 1,000 mga crime suspects ang napatay sa Davao City mula nang maupo si Duterte noong 1988.
Nakakatawa itong HRW.
Sinasabihan nito ang gobiyerno na imbestigahin si Duterte, na mayor ng isang lungsod na malayo sa America, samantalang tahimik ito nang nilinis ni Mayor Rudy Giuliani ang New York City ng mga masasamang-loob?
Pareho lang ang pamamaraan nina Duterte at Giuliani sa paglilinis ng kani-kanilang siyudad ng mga pusakal na kriminal.
Bago naging mayor si Giuliani, talamak ang krimen sa New York City. Ordinaryo na ang holdap sa kalye at rape.
Nang maging mayor si Giuliani, ang mga notorious na hoodlums ay natagpuan patay sa kalye, biktima raw ng “gang war.”
The New York Police Department (NYPD) attributed the killings to gang war or fight for turf by rival hoods.
Wala silang nahuhuling mga salarin.
Pero paano naman mahuhuli ng NYPD ang mga pumatay sa mga hoodlums samantalang mga kabaro nila ang may gawa?
Kung hindi nila kabaro ang salarin, alam ng NYPD kung sino ang mga salarin.
Humingi kasi ng tulong si Giuliani, who is of Italian descent, sa Mafia, isang gang na puro Italian-Americans, na linisin ang Big Apple ng mga kriminal.
Isa-isang nawala o napatay ang mga hoodlum, na kilala ng NYPD, matapos silang pagsabihan na umalis na sa lungsod pero nagpatuloy pa rin sa kanilang gawain.
Marami sa mga residente at transients ng New York City ang pamamaraan na ginamit ni Giuliani upang mawala ang mga kriminal sa lungsod.
Pero umangal ba sila? Hindi.
Nakakalakad na sila sa Central Park, kung saan naglipana ang mga masasamang-loob, na hindi sila nabibiktima ng krimen.
Ang tanong: Nasaan ang HRW nang “tinataboy” ni Giuliani ang mga kriminal sa New York City?
Bago naging mayor si Duterte, ang Davao City ay isang “killing field.”
Maraming inosenteng mamamayan ang binabaril sa kalye at maging sa kanilang mga tahanan.
Ang mga pulis ay walang magawa dahil marami sa kanila ang biktima rin ng pagpatay.
Ang siyudad ay naging no-man’s land dahil ang mga kriminal ang naghaharing uri at ang mga law-abiding citizens ay nanginginig sa takot sa kani-kanilang mga tahanan.
Nilinis ni Duterte ang Davao City ng mga masasamang-loob gaya ng paglinis ni Giuliani sa New York City.
Incidentally, Duterte and Giuliani have something in common. Pareho silang city prosecutor bago sila naging city mayor.
A severe problem called for a drastic solution.
Alam ni Duterte ang sistema ng hustisya sa ating bansa, kung saan matagal ang paglitis ng mga kriminal, kaya’t gumawa siya ng short-cut.
Bakit pa nga pala pahahabain pa ang proseso samantalang puwede namang padaliin?
Sa halip na mga bangkay ng inosenteng mamamayan ang natatagpuan sa kalye, ang mga bangkay ng kriminal ang nakatihaya sa mga daan.
Ang Davao City lang ang walang problema sa droga.
At ang lungsod ay hinirang kamakailan na one of the safest cities in the world.
Bakit ba umaangal ang HRW sa pananalvage ng mga kriminal samantalang hindi naman umaangal ang mga mabubuting mamamayan ng Davao City?