Must-win para sa Jumbo Plastic, AMA

ama computer

Laro Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

1 p.m. AMA University
vs MP Hotel
3 p.m. Liver Marin vs Jumbo Plastic
Team Standings:
*Cebuana Lhuillier (7-1); *Café France (7-2); x-Cagayan (5-3); x-Hapee (5-3); KeraMix (4-4); Jumbo Plastic (3-4); Tanduay Light (3-5); AMA University (3-5); MP Hotel (1-5); Liver Marin (1-7)
* semifinals
x quarterfinals

NAHAHARAP ngayon ang AMA University at Jumbo Plastic sa must-win situation upang manatiling buhay ang paghahabol ng puwesto sa quarterfinal round ng PBA D-League Foundation Cup.

Makakasagupa ng AMA U Titans ang MP Hotel Warriors sa ganap na ala-1 ng hapon habang makakatapat ng Jumbo Plastic Giants at Liver Marin Guardians dakong alas-3 ng hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Kailangan ng AMA at Jumbo ang panalo para mapagtibay pa ang puwesto sa anim na koponang uusad sa susunod na round. Ang Giants, na natalo sa Café France noong Lunes (72-83), ang nasa ikaanim na puwesto sa 3-4 baraha.

Ang AMA naman ay mayroong 3-5 karta at kasalo sa team standings ang pahingang Tanduay Light Rhum Masters sa ikapitong puwesto. Noon pang Mayo 7 huling naglaro ang Titans at natalo sila kontra Giants, 78-79.

Talsik na ang Liver Marin sa 1-7 karta habang naghihingalo naman ang Warriors sa 1-5 baraha. Gayunman, hindi puwedeng magkumpiyansa ang kanilang mga katunggali dahil nais din ng dalawa na magkaroon ng magandang pagtatapos ang kampanya sa 10-koponang liga.

Read more...