Handa na si Angelica Panganiban na ma-bash ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa Pangako Sa ‘Yo na magsisimula na sa Lunes.
Matinding pananakit ang gagawin ni Angelica bilang si Claudia Buenavista kay Kathryn na gaganap naman bilang si Yna. “Ako kasi maiintindihan ko kung magagalit sila sa akin kasi ako, kung may iniidolo at nasaktan, parang ‘Bakit niyo ginaganyan yung idol ko na mahal ko?’ So maiintindihan ko sila.
I guess okay lang ‘yun. Part ‘yun ng trabahong tinanggap ko,” sey ng aktres.“Kahit naman ayaw ko (siyang sampalin) dahil natatakot ako sa mga nagmamahal sa kanya, wala tayong magagawa dahil trabaho lang.
Pero siyempre sana hindi (magalit ang fans). Mas okay kapag hindi,” sey ni Angelica.
MOST READ
LATEST STORIES