DANIEL: Mainitin din ang ulo ko! | Bandera

DANIEL: Mainitin din ang ulo ko!

- July 04, 2012 - 03:23 PM

Isa sa mga ugaling namana niya sa mga Padilla

USUNG-USO talaga ngayon si Daniel Padilla. Wala yatang bagets na hindi nakakakilala sa batang aktor na kasali sa seryeng Princess And I ng ABS.

At talaga namang ibinabandera niya ang pagmamahal niya sa kanyang leading lady na si Kathryn Bernardo.

Sa tikas at appeal nga ni Daniel ay walang dudang namana nito ang karisma ng mga Padilla.

Tsaka nakakaloka kapatid na Ervin, dahil proud na proud siya sa pagsasabing tila nabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga parents niya na mas maging close uli (Karla Estrada at Rommel Padilla) dahil sa kanya.

Nang mag-boom  ang karir ni Daniel ay bigla ding naging mas visible sina Karla at Rommel at kahit may mga respective partners na ang mga ito ay ikinagagalak pa rin ng bagets na makitang close uli ang kanyang parents.Bukod sa pag-arte ay hataw din ang singing career ng binata.

Napakabilis ngang umakyat sa gold record ang album nito sa Star Records at mukhang patungo na rin sa platinum level.

Mahilig ding magsulat ng kanta ang bagets at aminado siya na karamihan sa mga naisusulat niya ay patungkol sa “relasyon” niya kay Kathryn.

Hindi pa raw sila MU o pero kung yun daw ang dapat na itawag sa nangyayari sa kanila ngayon, eh baka this is it na nga.

And take note, hindi siya affected sa isyung may mga ibang nanliligaw at humahanga kay Kathryn dahil para sa kanya, siya na ang nasa unahan ng laban.

Inamin naman ng binata na mainitin din ang ulo niya.

Mukhang ‘yun daw talaga ang namana niya sa mga Padilla.

At ito raw ‘yung gusto niyang baguhin sa kanyang pagkatao.

“Inaamin ko na mainitin din ang ulo ko. Siguro nakuha ko ‘yan sa Padilla, pero mainitin din ang ulo ng mama ko.

Minsan lagi lang nakakunot ang noo ko, lumiliit ang mata ko, pero minsan lang naman.

“Basta ‘pag nandiyan na si Kathryn, kunyari problemado ako,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Ehem!’ Mapapansin niya yun, ‘tapos okay na yung mata ko, nakangiti na ako,” nakatawang sabi pa ni Daniel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending