BINASTOS si Nora Aunor!
Hindi pala nakaalis ng bansa si Ate Guy para dumalo sa Cannes Film Festival, the most prestigious film festival in the world, para saksihan ang world premiere ng movie niyang “Taklub.”
Ang chika, hindi raw nabigyan ng business class ticket si Ate Guy kaya hindi na lang ito nagpunta sa Cannes. Grabeng pambabastos ito, ha.
Imagine, the one and only Superstar na binibigyan tayo ng de-kalidad na movies, ng de-kalibreng acting tapos gaganyanin ninyo? Ate Guy is the only actress na kilalang-kilala sa film festivals abroad.
She’s the one and only actress who is recognized worldwide. Si Jackie Chan nga unang tumayo para bigyan siya ng standing ovation noong binigyan siya ng award sa isang event tapos babastusin ninyo?
Ano ba kayo ha, mga MANGMANG, walang pinag-aralan, mga SUB-STANDARD ang mga utak? We felt na sinabotahe si Ate Guy. Kung sino man ‘yon, sana’y malasin siya, sana makarma siya.
How can someone do this to a Philippine treasure? Ano ang galit niya kay Ate Guy at ganoon na lang ang pambabastos niya sa Superstar?
We don’t know kung si direk Brillante Mendoza at ‘yung isang politician na ayaw naming pangalanan ang magkasama sa Cannes. Baka ang feeling nila ay sila lang ang may karapatang mag-walk sa red carpet ng Cannes.
Eh, di sila na, mga uhaw naman yata sila sa atensyon, eh. Baka ayaw lang nilang matalbugan ni Ate Guy. Anyway, we’re wishing na manalo si Ate Guy. If she wins, sampal ito sa taong sumabotahe sa kanya.
Na-notice namin na may dalang malas ang Cannes kay Ate Guy. Noong una, hindi rin siya natuloy for her first Cannes experience para sa movie na “Bona”. Now, nabulilyaso na naman siya.
Respect the Superstar. Hindi ‘yan starlet of GIGANTIC proportion.