Patuloy ang paglalagay ng mga bagong ticketing machine sa Light Rail Transit 1 kaya ititigil muna ang pagbebenta ng stored value cards.
Sa ipinalabas na advisory ng Light Rail Transit Authority sinabi nito na simula Mayo 28 ay hindi magbebenta ng stored value card ang mga istasyon sa southbound lane ng LRT 1.
“Pansamantalang ititigil ang pagbebenta/paggamit ng stored value cards sa mga istasyong patimog mula Roosevelt patungong Baclaran hanggang makumpleto ang paglalagay ng mga bagong AFCs gates,” saad ng advisory.
May mabibili namang single journey ticket na may halagang P15, P20 at P30.
Layunin ng paggamit ng bagong ticketing system ang pagpapabilis ng pagpasok at paglabas sa mga istasyon ng tren upang maiwasan ang pila.
Ang laman ng stored value ticket ay maaaring ilipat sa bagong tiket.
Sa bagong sistema, iisa na lamang ang tiket na gagamitin para makasakay ng LRT1, LRT2 at MRT3.
MOST READ
LATEST STORIES