Store supervisor nanalo sa lotto

Mega Lotto 6/45


Store supervisor ang isa sa tatlong nanalo ng jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Marso 13.
Kumuha na ng premyo ang nanalo na taga-Maynila sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Nagkakahalaga ng P5.94 milyon ang kanyang premyo.
Plano niyang bayan ang kanyang inutang para makabili ng bahay at magtira para sa edukasyon ng kanyang mga anak.
Ang nanalo ay mayroong asawa at tatlong anak. Tumaya siya ng system 8 na nagkakahalaga ng P580 ng manalo.
Hindi pa kumukuha ng premyo ang dalawang tumaya sa mga numerong 8-12-17-21-24-27. Umabot ng P17.831 milyon ang jackpot prize.

Read more...