KAILANGANG harapin uli ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao upang tunay na maipakita sa lahat na siya ang pinaka-mahusay na boksingero sa henerasyong ito.
Namutawi ito sa bibig ni Roger Mayweather, ang tiyuhin at trainer ng pound-for-pound king, sa panayam ng Ontheropesboxing.com.
“Floyd’s legacy is going to be good but he needs to close that legacy with Pacquiao. He needs to go back and him and Pacquiao need to do it again. That’s what I think.
To close the door in terms of victory, that’s what he needs to do,” wika ng nakatatandang Mayweather. Noong Mayo 3 ay nasungkit ni Mayweather ang unanimous decision victory kontra Pacquiao para palawigin ang unbeaten professional boxing record nito sa 48-0.
Gayunman, marami ang hindi kumbinsido sa panalong ito ni Mayweather lalo pa’t inamin ni Pacquiao na may nararamdaman siyang injury sa kanyang kanang balikat kaya’t hindi gaanong nagamit ang kinatatakutang kanang kamao.
May injury man ay si Pacquiao pa rin ang mas agresibong boxer sa labang iyon habang si Mayweather ay binatikos maging ng kanyang mga kababayang Kano dahil sa istilo niyang takbo nang takbo at akap nang akap para makaiwas sa mga suntok ni Pacman.
Nakiisa rin ang tiyuhin ni Mayweather sa karamihan ng mga fans nang sinabi niyang hindi naging sulit ang ibinayad na malaking halaga para mapanood ang labang tinaguriang “Fight of the Century.”
“I think that the people didn’t see the performance they should have seen. Since they didn’t get the performance that they should have seen, I think that Floyd and Pacquiao should do it again and close out what they have in a performance of what the people should have seen. That’s what I think,” dagdag nito.
Anim na buwan na magpapahinga si Pacquiao matapos operahan sa balikat. Hindi pa rin masabi ni Pacquiao sa ngayon kung magpapatuloy pa siya sa pagbo-boxing o kung magreretiro na siya.
Sa ngayon ay pinagtutuunan ng panahon ni Pacquiao ang kanyang trabaho bilang mambabatas.